Monday, December 29, 2008

Progressing vs. Regressing (Song lyrics, 1st batch)

I don't want to write anything now, I still feel a bit too agitated for me to assure you that my post will be coherent or if it will be plain ranting. So. I'll just post song lyrics here.

Tatsulok

Buklod

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo / Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo / Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan / At baka tamaan pa ng mga balang ligaw / Totoy makinig ka, huwag kang magpagabi / Baka pagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi / Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo / Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito / Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban / Ang kulay at tatak ay di syang dahilan / Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan / At ang hustisya ay para lang sa mayayaman / Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok / Hindi matatapos itong gulo / Lumilikas ang hininga ng kayraming mga tao / At ang dating lunting bukid ngayo'y sementeryo / Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok / Katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok / Hindi pula't dilaw ang tunay na magkalaban / Ang kulay at tatak ay di syang dahilan / Hangga't mas marami ang lugmok sa kahirapan / At ang hustisya ay para lang sa mayayaman / Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok / Hindi matatapos itong gulo

And I See
Datu’s Tribe

A B C D CPP, CIA KMU PNP / DOH CBCP, IMF WB / Now i know my ABCs / Ilang taon na lang magiging NIC / A B C D ADB, RAM YOU AFP / DOJ NUC, MNLF PACC / Now i know my ABCs / Ilang taon na lang magiging NIC / Lupa galing sa libingan / Patungo sa kabusugan / Patungo sa kabusugan / Ang dami nang naghihintay / Lahat nagaaway-away / Patungo sa kaunlaran / Patungo sa kaunlaran / Patungo sa kaunlaran / A B C D NBC, DSWD PCGG / DPWH ERB, MWSS PLDT / NUCD, LDP, PCHR, DAR, KNP / BAD, DOLE, DFA, GADD / Now i know my ABCs / Ilang taon na lang magiging NIC

Buksan ang iyong puso

Buklod

Ano kayang bukas ang darating / Sa bayang may pasakit pagka't biyaya'y pinagkait / Kayrami nang batang nagigising lamang / Sa maagang pagpanaw ng pag-asa o buhay / Buksan ang iyong puso / Huwag ka nang magsawalang-kibo / Pagluha'y di sapat / Ang kailangan ay pagganap / Ibahagi ang iyong panahon / Sa pagtugus ng nilalayon / Damhin mo ang hapdi at pait ng kahirapan / na ngayo'y nararanasan ng iyong mamamayan / Ilan na bang mga musmos ang sinawi ng dalita / Ilan na bang mga bayani ang nag-alay sa lupa / Kailan mo pakikinggan ang tawag ng bayan / Ngayon na ang panahon / Ang pagkilos mo'y kailangan / Nagpipiglas ang damdamin / Maayang bukas ay yakapin / Buksan ang iyong puso...

Tumindig Ka

Buklod

Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalilipas / Ilang pangulo ng ang nagdaan / Wala pa ring asenso si Juan / Subsob pa rin sa kahirapan / Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalipas / Ilang pangulo na ang nagdaan / Wala pa ring masilungan si Juan / Tagpi-tagpi pa rin ang kasuotan / Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalipas / Ilang pangulo na ang nagdaan / Wala pa ring sariling lupa si Juan / Nakikisaka't baon sa utang / Tumindig ka ipaglaban ang karapatan / Tumindig ka ipagtanggol ang karapatan / Daangtaon na ang nakalilipas / Ilang pangulo na ang nagdaan / Kulang pa rin ang sweldo ni Juan / Wala pa ring sariling lupa si Juan / Wala pa ring masisilungan si Juan / Subsob pa rin sa kahirapan / Tumindig ka, tumindig ka / Ipaglaban mo si Juan / Tumindig ka, tumindig ka / Ipagtanggol mo si Juan

Whoa! Pilipinas!

Datu's Tribe

Napakarami pang kagiliw-giliw na mga bagay na maipapamalas sa bayan ko na maaaring hindi nyo nakita nung kayo'y unang bumisita rito / Kaya't halina't tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng / Whoa! Pilipinas

Nangingibang-bayan ang aming masisipag at matatalino / Ang pangunahing eksport nami'y nagugutom na mga desperado / Kinabukasan ng nakararami'y sinasalalay sa Lotto / At ang mga pag-asa ni Pepe'y tumitira ng rugby sa kanto / Whoa! Pilipinas

Umiimport kami ng mga binabasurang produkto / Mga mamamahayag nag-eendorso ng alak, gamot at shampoo / May mga titser na nagbebenta ng insurance, damit at tocino / Karaniwang pasahod kasi'y sapat lang bumuhay ng aso / Whoa! Pilipinas

Ang bagong relihiyon ng masa ay tele-pantasya / Kaya mga artista dito'y mga pulitiko rin at vice-versa / Andaming kampon ni Bonifacio na nasa center na ng mga elitista / Na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibista / Whoa! Pilipinas / Galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo

Nagiging congressman ang mga sugarol at babaero / Pwedeng-pwedeng maging milyonaryo sa sweldo mo sa gobyerno / At umuupo sa pwesto mga di naman nananalo

Halina't bumisita / Whoa! Pilipinas / Halina't bumisita / Whoa! Pilipinas / Nang inyo nang makita / Mga di ninyo nakita / Halina't bumisita / Whoa! Pilipinas / Halina't bumisita / Whoa! Pilipinas / Nang inyo nang makita / Mga di pinapakita sa inyo / Mga di pinapakita sa inyo.

UP Naming Mahal
Alternative version

UP naming mahal / Pamantasan ng bayan / Tinig ng masa / Ang siyang lagi nang pakikinggan / Malayong lupain / Di kailangang marating / Dito maglilingkod sa bayan natin / Dito maglilingkod sa bayan natin

Silangang mapula / Sagisag magpakailanman / Ating ipaglaban / Laya ng diwa’t kaisipan / Humayo’t itanghal / Giting, tapang ang dangal / Mabuhay ang lingkod ng taongbayan / Mabuhay ang lingkod ng taongbayan


Silangang mapula / Sagisag magpakailanman / Ating ipaglaban / Laya ng diwa’t kaisipan / Malayong lupain / Di kailangang marating / Dito maglilingkod sa bayan natin / Dito maglilingkod sa bayan natin




No comments:

Post a Comment

Got something to say? Say it now.