Reporma. Ang sarap pakinggan, di ba? Yan ang pagsusulong ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng mga batas. Maraming porma nito, isa na ang sinasabing extension ng CARP na may halong reporma (CARP extension with reforms, mababasang nakapaskil sa labas ng DAR office sa Quezon City).
Iyan din ang pagkakaiba ng Katipunan ni Andres Bonifacio sa La Solidaridad nila Jose Rizal at ng iba pang mga ilustrado.
Reporma ang isinusulong ng La Solidaridad. Gusto nilang pairalin ang karapatang pantao sa Pilipinas. Hindi soberanya ang hiningi nila, kundi awtonomiya lamang. Gusto nilang maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas.
Subalit sa huli, ang nagpasya naman ng "kalayaan" (sana, kung hindi umeksena ang Estados Unidos) noon ng Pilipinas mula sa mga Kastila ay ang rebolusyong pinamunuan ng masa.
Ngayon naman, kung magpupumilit kang sabihing reporma ang solusyon, isipin mo ito. Ang problema kasi sa pagsulong ng reporma ngayon, may mga pinangangalagaang interes ang mismong mga nakaupo sa pwesto—ang mga may hawak ng kapangyarihang isulong ang pagbabago sa pamamagitan ng batas. May mga lupang hindi kailanman ipamimigay, mga korporasyong nakikinabang sa batas na mababang pasahod at kontrakwalisasyon.
Mamamatay tayong dilat ang mata kung hihintayin nating "makita nila ang liwanag" at bigla na lang ipamigay ang kayamanan nila para mawala na ang kahirapan sa bansa.
Repormista o rebolusyonista? Sa huli, masa naman ang mapagpasiya. Masa ang magpapasya.
Monday, December 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment
Got something to say? Say it now.