Wednesday, February 25, 2009

Hamon sa USC 2009-2010

Hati ang konseho ng Diliman sa susunod na taon. Ayaw ko mang pangunahan ang mga bagay-bagay, natitiyak kong lalong mahihirapang makamit ang consensus ng USC sa bawat isyung pagpupulungan. Kung nitong nakaraang taon na dalawang partido lang ang mayorya at lamang pa ang isa, nakita na ang pagkakahati ng konseho, paano pa ngayong tatlo na silang nagkakagulo?

Hindi ko naman sinasabing may dominasyon dapat ng isang partido lamang. Marami marahil ang magsasabing "balanse" ang susunod na USC. Subalit kung itutumbas ang pagiging "balanse" sa pagiging neutral, palagay ko'y may malaking problema ang UP sa susunod na taon.

Wala namang magiging kaso ang pagkakahati nito kung hindi hahayaan ng mga niluklok sa posisyon na magkaroon ng personalan at partisan politics sa loob ng konseho.

Ang mahirap lang, iba-iba rin kasi sila ng interpretasyon sa kung ano ang makabubuti sa mga mag-aaral. Galing sila sa iba't ibang sulok ng lipunan at may iba't ibang interes na isusulong. Ang dapat lang sigurong laging isaisip ng mga nasa posisyon ngayon, isulong nila ang interes ng mga mag-aaral at magdesisyon batay dito. Sana, ito ang unahin nilang isulong kaysa interes ng kani-kanilang mga partido, sapagkat sa puntong ito, kinakatawan na nila ang konseho at hindi ang kanilang partido.

Wala naman akong problema sa hatian ng konseho kung lahat ng ipinangako noong kampanya ay matutupad. Kung mapapatunayan ng ilang niluklok na karapat-dapat sila sa posisyong inihalal sila, at hindi sila maglalahong parang bula makalipas ang eleksyon.

Siguro, sa oras na ito, tapos na akong manlumo sa resulta ng eleksyon. Wala na rin kasi itong magagawa sa puntong ito; sa huli, ang magagawa ko lang ay umasa. At kung biguin ako ng mga taong tinutukoy ko, ang magiging sagot ko ay walang pagpapaumanhing pagtatasa at pagtuligsa sa kung anumang maling hakbanging piliin nila.#

Sunday, February 22, 2009

On classes

Got home from dokyu shoot. Nakakapagod, pero ok lang.

Ngayon ko lang natanto na totoo palang kahit saang relihiyon, nahahati pa rin sila sa uri o social class.

Bakit? Kitang-kita ang pagkakaiba sa mga taong naninirahan sa dalawang lugar na pinuntahan namin.One community focused on their hand-to-mouth existence, the other asked our credentials and all things that reeked middle class.Iba rin ang practice nila ng relihiyon nila.

Wala lang. Na-agit lang ako.#

Saturday, February 21, 2009

Wala lang

May naalala lang ako from UP Fair's last night (Feb 14), mula sa Giniling Festival, isang version ng kanilang kantang "Holdap."

ORIGINAL:
What do holdapers do?
They take your money and run as fast as they can!
(Run as fast as they can)
Ispel holdaper
Holdaper, G-A-G-O, holdaper

UP FAIR VERSION:
What do holdapers do?
They take your money and then they run for president!
Ispel holdaper
Holdaper, G-M-A, holdaper

Crowd: (LOL).

At ang winner na line:

Pare-pareho lang naman tayong walang pera...

Pero mas winner pa sa Holdap ang "Astig."

Like, here are some of the lyrics (di lang kumpleto, sori):

Uso ang pa-cute, bibili ako ng cute (?)
Usong maangas, lalabas kong aking ahas
Usong malungkot, malungkot pati utot
Uso ang ___(?)___, magugunaw ang mundo

Usong maputi, glutathione glutathione
Usong maputi glutathione
Uso ang sosyal, frappucino frappucino
Uso ang sosyal frappucino
Uso ang tsinelas, havaianas havaianas
Uso ang tsinelas havaianas
Gagawin ko ang lahat, gagawin ko ang lahat
Pag meron kapitbahay ko, bibili rin ako
Para lang ako'y maging astig
Gonna be astig for life

Di ko na-gets yung medyo dulong line, pero kung tama ang rinig ko, it's "Tsong tol pare man dude" na inulit ulit.

Tapos may skit. With some lines here:
That is so astig man! Ako naman, yesterday I was using my laptop. And I was drinking frappucino. And my havaianas, with so many colors... (I lost all sense and laughed like crazy)

Ayun. Astig at Holdap. Buo na ang gabi ko. Sumama pa ang "Wala" ng Kamikazee. Para raw sa presidente...ng Malaysia (with the disclaimer: "mahirap na..."). Hahaha. Sabaw na talaga ako.

Sabi ko sa'yo, wala lang ang post na ito. Hehe.

Wala lang

May naalala lang ako from UP Fair's last night (Feb 14), mula sa Giniling Festival, isang version ng kanilang kantang "Holdap."

ORIGINAL:
What do holdapers do?
They take your money and run as fast as they can!
(Run as fast as they can)
Ispel holdaper
Holdaper, G-A-G-O, holdaper

UP FAIR VERSION:
What do holdapers do?
They take your money and then they run for president!
Ispel holdaper
Holdaper, G-M-A, holdaper

Crowd: (LOL).

Sabi ko sa'yo, wala lang ang post na ito. Hehe.

Wednesday, February 18, 2009

Babangon ako't dudurugin kita: A 2009 USC elections debate

Magkakaalaman na. Magpapahuli ka ba?

The Philippine Collegian, official student publication of the University of the Philippines-Diliman, and Solidaridad, Systemwide Alliance of Student Publications and Writers' Organizations in UP, bring you Babangon Ako't Dudurugin Kita: Debate ng Mga Partido sa 2009 USC Elections, a two-hour debate program for USC electoral candidates this coming Friday, February 20.

Slated to participate in the debate are five candidates each from Alyansa, Kaisa, Stand-UP, and two independent candidates for USC councilorship.


Date: Friday, February 20, 2009
Time: 11:00 am to 1:00 pm
Venue: Palma Hall, PH 400

Punta na!

Monday, February 16, 2009

Sa Lumba Ranao: Anekdota ng diskriminasyon

Kanina, nagtungo kami sa dalawang magkahiwalay na komunidad ng mga Muslim dito sa Metro Manila para sa ginagawa naming dokyu. Yung isa, yung Lumba Ranao sa may Pasay (dapat gagawan ng artikulo ng feats last year, pero di na natuloy), at yung isa, malapit sa simbahan ng Quiapo. Walang masyadong kwento ang huli, maliban sa pinatakpan ang buhok namin bago pumasok sa mosque nila.

Iba ang kaso ng Lumba Ranao. Kinakailangan mong dumaan sa gilid ng creek sa may Roxas Blvd. Malayu-layo ang kailangan mong lakarin bago marating ang komunidad na nakaumpok na sa gilid ng mosque nila. Tagpi-tagpi ang mga bahay; hindi rin uso ang pagsusuot ng scarf o shawl ng mga kababaihan. At kinahaharap nila ang isang demolisyon dahil sa pagtatayo umano ng casino roon ng pamahalaan.

Isa pa, may nakabantay na guwardiya sa pinakadulo ng nilalakaran sa gilid ng creek. Sabi niya sa amin, sigurado raw ba kaming tutuloy kami (apat kaming babae lahat sa grupo). Nang tanungin namin kung bakit, ang sagot lang niya, "Muslim ang mga nandoon."

Na para bang sapat na dahilan na iyon upang matakot kami at huwag nang magtuloy. Na para bang ang salitang "Muslim" ay dapat iugnay sa mga negatibong bagay, na parang hindi mga tao ang tinutukoy niya.

Nakakalungkot. Nakakagalit. Pero ito ang tingin ng karamihang mga Kristiyanong Pilipino sa mga kababayan nating Muslim.#

Saturday, February 14, 2009

Campus Politics: An anecdote

Election's here again. We should have seen it coming, with the CRSRS referendum coming to pass, when individuals who couldn't care less about UP suddenly bombarded cyberspace with their comments and "active participation" on the SR issue.

Yeah. UP is once again officially divided by colors: red, blue, and yellow.

I know that as a member of the campus publication, I'm supposed to be nonpartisan, an "objective" observer. But then, I have always held that objectivity is a stupid myth, so...Well, I believe that as a student, I am entitled to my opinion. But, hey. No name-dropping here or there, of course. I'd just like to share some stories. Here's one:

I remember an interesting conversation I had with a supporter of the party (CENSORED) about their party's brand of activism. It was interesting, the way he said that activism isn't just about protest actions. Activism is when you study hard, when you throw garbage in proper areas of disposal, when you follow rules and all that jazz...when you're pretty much a model student with perfect grades (but a too-clean slate of grades isn't an indicator of leadership capabilities, don't you think?).

Why did I mention that? Nothing. I just thought that if that were the standard of activism we are aspiring for, then majority of the students can be called activists.

Just one conversation. It said a lot about why UP is what it is today.#

Friday, February 13, 2009

Tracking the Ballot

Tracking the Ballot
The Philippine Collegian coverage of the
University and College Student Council elections

Bisitahin lamang ang www.collegiannews. multply.com para sa mga pinakahuling ulat, video, podcast at litrato hinggil sa dalawang linggong kampanya at sa gaganaping halalan sa Pebrero 25.

Friday, February 6, 2009

Untitled

It is ironic that many set their sights on working themselves to death so that they can live more comfortably.#